
BUWAN NG WIKA Tuwing Buwan ng wika nagsusuot ang mga estudyante ng mga suot na sinaunang damit upang masunod sa tema ng pagka pilipino natin. Ito ay importante para ma subukan natin ang pag suot ng mga damit na ginamit noon at para rin sa pag diwang ng buwan ng wika. Iba't iba ang mga sinusuot ng mga estudyante, kagaya ng Filipinana, Barong at Baro't saya na nangagaling sa iba't ibang mga rehiyon sa Pilipinas. Ang sinuot ko nuong buwan ng wika ay ang baro't saya, ito ang sinusuot ng mga Filipina nuon. Kasama ang bakya na sinusuot para sa paa at abaniko na pwedeng pantakip sa mukha. Ang baro't saya ay galing sa mga Espanol na nuo'y sumakop sa Pilipinas. Dahil sa mga Espanol ay na iba ang ating pandamit, barong sa lalaki at baro't saya sa babae. Ang sinuot ko dito ay baro't saya na nanggaling sa Visayas, ito ay kumportable suotin pero mainit itong suotin. Sa kasalukuyan sinusuot nalang ang baro't saya at barong ng mga tao sa go...